CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 80?
Nagpasok ng not guilty plea si dating Pampanga 3rd District Rep. Dong Gonzales sa kasong graft na kinakaharap nito sa Sandiganbayan Third Division.
Isinagawa ang arraignment ng kaso nito sa Sandiganbayan 3rd Division ngayong Biyernes, November 6.
Ito ay kaugnay ng umano’y conflict of interest sa isang ₱264-milyong flood control project.
Nahaharap din ang dating kongresista sa dalawa pang karagdagang graft charges sa Sandiganbayan Second at Seventh Divisions.
Una nang nakapagpiyansa si Gonzales ng ₱270,000 para sa tatlong bilang ng graft.
Matatandaang nitong Oktubre lamang nagsampa ng mga kaso ang Office of the Ombudsman matapos lumitaw ang alegasyon na nagpatuloy ang kanyang ugnayan sa contracting business habang siya ay nakaupo pa bilang mambabatas.