Maaari nang magkaroon ng pagkakataong magtrabaho at makapag-apply ang mga naghahanap ng trabaho.
Gaganapin kasi ang local at overseas mega job fair ng Manila Public Employment Service Office.
Isasagawa ang job fair sa November 12, 2026, Huwebes, mula 10:00 AM hanggang 3:00 PM, sa 5th Floor ng Isetann Cinerama Complex sa C.M. Recto Avenue, Quiapo, Maynila.
Ito ay sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kung saan tampok ang mga bakanteng posisyon mula sa iba’t ibang kumpanyang kalahok.
Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng updated résumé at ballpen para sa pagkakataong ma-interview at matanggap sa trabaho sa mismong araw ng job fair.
Maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code o pag-click sa registration link na inilabas ng Manila PESO.
Makikita ang mga bakanteng trabahong inaalok sa official Facebook page ng Manila Public Employment Service Office.