Kinilala ang Lungsod ng Taguig bilang isa sa mga best LGU rabies program implementers sa bansa.
Ito’y matapos tumanggap ng Award of Excellence sa ginanap na Animal Health Congress 2026.
Personal na tinanggap ni Doctor Alexis B. Siblag, kasama ang kanyang pangkat mula sa Office of the City Veterinarian, ang naturang parangal bilang kinatawan ng lungsod.
Kinilala sa paggagawad ang mga programa ng Taguig kontra rabies, kabilang ang malawakang pagbabakuna sa mga hayop, pagsubaybay sa mga kaso ng sakit at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop.
Kinilala rin ang pakikipagtulungan ng lungsod sa iba’t ibang sektor upang mapalakas ang pag-iwas at pagkontrol sa rabies.
Ang Taguig ay kabilang sa apat na lungsod sa National Capital Region na nakatanggap ng naturang pagkilala.
Samantala, patuloy ang pagsasagawa ng pamahalaang Lungsod ng Taguig ng mga pet caravan at house-to-house anti-rabies vaccination drive upang mailapit sa mga residente ang pagbabakuna sa kanilang mga alagang hayop. Layunin nitong maiwasan ang pagkalat ng rabies at maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilya.