Naiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan na nasawi sa insidente sa Shaybah Oilfield ng Saudi Aramco sa Saudi Arabia noong Oktubre 21, 2026.
Personal na sinalubong ng naulilang pamilya, kasama ang mga kinatawan ng DMW, OWWA, at lokal na pamahalaan ng Malasiqui ang pagdating ng mga labi ng nasawing OFW.
Kabilang sa mga opisyal na nagpaabot ng pakikiramay at suporta sina DMW Assistant Secretary Maria Regina Angela Galias, DMW Region I Regional Director Christian Rey O. Sison, at OWWA Region I Regional Director Marivic L. Mondina, kasama ang mga kinatawan ng Pamahalaang Lokal ng Malasiqui.
Bilang paunang tulong sa naulila nitong pamilya, nagkaloob ang OWWA ng Special Financial Assistance (SFA).
Nangako rin ang ahensya na patuloy na gagabay at tutulong sa pamilya sa pagproseso ng iba pang kaukulang benepisyo, kabilang ang Death and Burial Assistance at Education and Livelihood Assistance Program (ELAP), alinsunod sa mga umiiral na patakaran at kwalipikasyon para sa mga aktibong miyembro ng OWWA.
Pinagtibay rin ng DMW, OWWA, at lokal na pamahalaan ang kanilang pakikiisa sa pamilya ng nasawing OFW sa panahong ito ng pagdadalamhati.