Nanawagan si DILG Secretary Jonvic Remulla ng mas mahigpit na inspeksiyon sa mga kargamento ng private aircraft.
Kasunod ito ng pagkakasabat sa Laos ng 512 kilong pinaghihinalaang shabu na umano’y nakatakdang ipuslit sa Pilipinas.
Ayon kay Remulla, iniimbestigahan ng Philippine National Police ang posibleng pagkukulang sa seguridad sa mga paliparan.
Kinumpirma rin ng PNP na sinibak muna sa puwesto at inilagay sa restrictive custody ang isang police personnel na iniuugnay sa insidente.
Iginiit ni Remulla na hindi pa nakapag-landing sa Pilipinas ang nasabat na eroplano.