Pangungunahan ng Pilipinas ang pagtitipon ng mga opisyal at eksperto mula sa ASEAN at Organization for Economic Cooperation and Development o OECD upang isulong ang pagpapasimple ng mga regulasyon at proseso ng pamahalaan.
Ayon sa Anti-Red Tape Authority o ARTA, gaganapin sa bansa ang ika-11 ASEAN-OECD Good Regulatory Practices Network Bureau Meeting sa Oktubre 20.
Taglay nito ang temang “Complexity to Clarity: Advancing Simplification Together,” layunin ng pagtitipon na magbahagi ng mga estratehiya at praktikal na solusyon upang mabawasan ang komplikadong regulasyon at mapahusay ang sistema ng pamamahala.
Inaasahang makatutulong ito sa pagbuo ng mas simple, malinaw, transparent at tumutugon sa pangangailangan ng publiko na mga proseso ng gobyerno, gayundin sa pagpapabuti ng business environment.
Matapos ang pagpupulong, isasagawa naman ang kaugnay nitong kumperensiya mula Oktubre 21 hanggang 23, sa Seda Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.