Photo courtesy of PHIVOLCS
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang PHIVOLCS sa bulkang Mayon ng apat na volcanic earthquake ayon sa ulat ng ahensya ngayong October 17, 2026.
Umabot sa 1,177 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux ng bulkan batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya nitong October 16 at namataan din ang banaag sa bulkan.
Nasa katamtamang pagsingaw ang plume sa bulkan na napadpad sa timog-kanluran.
Naitala rin ang panandaliang pag-impis ng bulkan, na may nagsisimulang pamamaga sa hilagang-silangang bahagi nito.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa bulkang Mayon kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone at ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko sa posibilidad ng steam o phreatic explosions, rockfall mula sa tutkok ng bulkan, at pag-agos ng lahar sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan.