Photo courtesy of PHIVOLCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng limang volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa ulat ng ahensya ngayong October 17, 2026.
Nasa 97 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan, batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya nitong October 6.
May taas na 100 metro ang plume sa bulkan na nasa katamtamang pagsingaw at napadpad sa timog-kanluran.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga sa bulkan.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-km Permanent Danger Zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone o EDZ sa gawing timog-silangan.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan. Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion anumang oras.