PCG, inaalam ang responsable sa likod ng Bataan oil spill
Inaalam na ng Philippine Coast Guard (PCG) kung aling sasakyang-pandagat sa Mariveles, Bataan ang nasa likod ng oil spill.
Sa programang BOSES, sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na posibleng ang tumagas na langis ay pinaghugasan ng makina ng sasakyang pandagat.
Sa ngayon ay wala nang nakitang pagtagas o paglitaw ng langis sa naturang lugar. Hindi naman naging mahirap ang oil recovery operations ng Coast Guard dahil madaling mag-evaporate ang nasabing used oil.