Bitbit ang mga ChariTimba, nakarating na sa Albay ang mga tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bukang Mayon.
Laman ng mga ChariTimba ang iba’t ibang food items gaya ng bigas, kape, delata, gatas, mga ready to eat food, at iba pa.
Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, ipamamahagi ang mga ito sa limang evacuation centers sa Tabaco City upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang lumikas.
Pagtitiyak naman ni PCSO General Manager, Mel Robles, patuloy ang paghahatid nila ng tulong, at malasakit sa mga kababayang nangangailangan.
Batay sa datos ng DSWD, tinatayang aabot sa 500 pamilya ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon na nananatili sa evacuation centers.
