Pinahaharap muli sa pagdinig ngayong Lunes, November 9, ng Sandiganbayan 3rd Division ang mga opisyal ng Quezon City Jail Male Dormitory kaugnay ng kondisyon ng pagkakadetine ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Kasunod ito ng naunang utos ng korte na suriin ang lahat ng CCTV footage mula September 14 hanggang November 4 at magsumite ng ulat tungkol sa mga lugar sa loob ng kulungan na pinuntahan ni Romualdez.
Inatasan din ang QC Jail Warden na isumite ang mga dokumento kaugnay ng operasyon at access logs ng CCTV, mga tala ng power interruption, logbook ng pagpasok at paglabas ng mga sasakyan, pagkakakilanlan ng mga taong bumibisita sa mambabatas at pinakahuling medical report ni Romualdez.
Kabilang naman sa inaasahang tatalakayin sa pagdinig ang pagkakaroon ng personal staff ni Ronauldez na naka-duty sa loob ng kanyang selda.
Bukod dito, inaasahan din ngayong araw ang pagpapatuloy ng bail hearing ni Romualdez
Si Romualdez ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan 3rd Division na nagugat sa umano’y ₱7.4-bilyong kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan mula 2022 hanggang 2025.