DOT, 99% ready na sa ASEAN Summit
Nasa huling yugto na ang Department of Tourism (DOT) sa mga paghahanda nito para sa 49th ASEAN Summit and Related Meetings.
Sa programang BANGON, BAYANG MAHAL, sinabi ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay na hindi lang ang magagandang tanawin ng bansa ang ibibida sa malaking aktibidad, kundi maging ang talento ng mga Pilipino.
Bagama’t 99% ready na ang Department of Tourism, pinaghahandaan din aniya nila ang contingency plans para sa ASEAN Summit.