📷 PNP
Puspusan ang ginagawang paghahanda ng iba’t ibang Police Districts sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ASEAN Summit and related Summits sa November 16 hanggang November 18.
Sa panig ng Eastern Police District (EPD), nagsagawa na sila ng oversight committee meeting para sa ASEAN Summit kung saan, tinalakay ang pagpapalakas ng kanilang operational readiness at presensya ng Pulisya
Pinangunahan ni EPD Acting Deputy District Director for Operations, PCol. Rey Maclang ang pagpupulong kung saan, inatasan ang mga commander na ipatupad ang disiplina, tamang bihis at kaayusan sa mga presinto maging sa patrol vehicles
Binigyang diin nya ang pagtatatag ng dagdag na fixed post ng mga pulis upang mapalawak ang kanilang presensya habang isinasagawa ang ASEAN summit.
