Pilipinas, handa na sa ASEAN Summit
Handa na ang Pilipinas sa paghost ng 49th ASEAN Summit and Related Meetings sa susunod na linggo.
Sa Biyaheng Bagong Pilipinas podcast, sinabi ni ASEAN 2026 National Organizing Council Director-General for Operations Ma. Hellen De La Vega na puspusang pinaghandaan ang seguridad, transportasyon, maging ang mga tutuluyan at pagkain ng mga dadalong lider at delegado mula sa iba’t ibang bansa.
Ikinonsidera rin aniya ang lahat ng scenario sa mga paghahanda para matiyak ang maayos at ligtas na pagdaraos ng ASEAN Summit.