Dahil sa patuloy na global pressures, bahagya pang bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 2.1% sa ikatlong quarter ng 2026.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nananatiling pangunahing nag-aambag sa ekonomiya ang services sector, habang nakapagtala naman ng pagbaba ang agriculture, forestry, and fishing sector.
Samantala, naitala rin sa 2.7% ang Gross National Income (GNI), habang nagtala ng 6.6% paglago ang Net Primary Income.
Sa pahayag naman ni DepDev Sec. Arsenio Balisacan, sinabi nitong nakaaapekto pa rin sa ekonomiya ang sigalot sa Middle East na nagtutulak pataas sa presyo ng langis at nagpapalala sa inflation.
Nakaapekto naman sa agriculture sector ang mga nagdaang bagyong tumama sa produksyon at mga kondisyon sa sektor.
Nanatili ring mahina ang investment activity, kasabay ng pagbaba ng public construction.
Gayunman, kabilang sa mga positibong palatandaan ang paglago ng exports, partikular ang electronics exports at business services exports.
Ayon sa kalihim, kinakailangan ng ekonomiya na lumago ng 6.3% sa ikaapat na quarter para maabot pa rin ang annual growth target ng pamahalaan.
Nananatili naman umanong pursigido ang pamahalaan para mapausad na muli ang mga infra projects, matutukan ang investment confidence, mapatatag ang food at energy security at makabuo ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

