Sa muling pagbubukas ngayong araw ng paglilitis ni Vice President Sara Duterte, mahaharap sa pagsubok ang depensa na sagutin ang alegasyon ng natitirang articles of impeachment o ang unexplained wealth.
Ayon kay House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon, dapat deretsahang harapin ng depensa ang mga patong-patong na financial findings.
Kabilang sa mga kailangang sagutin ng kampo ng VP Sara ang iprinisintang mahigit ₱818-million na undeclared wealth at ang mga natuklasang tagong mansyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Giit pa ng prosecutor, dapat ding maipaliwanag kung bakit dalawang ari-arian sa Huna Subdivision at Kembali Coast na nakapangalan sa asawa ng VP na si Atty. Manases Carpio ang hindi umanoy nakatala sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Kwestyonable rin na mas mababa sa ₱80-million ang net worth ng Bise President sa kaniyang 2023 SALN, gayong lumalabas sa mga record na lumalampas sa ₱100-million ang bank deposits, insurance policies, at investments ng mag-asawa.
Dahil dito, hinamon ni Rep. Ridon ang depensa na magprisinta ng mga ekspertong testigo sa halip na basta na lamang kwestyunin ang paraan ng paghahain ng ebidensya ng prosecution.