Nais ng nakararaming Pilipino na personal na humarap at magpaliwanag si Vice President Sara Duterte kaugnay ng mga alegasyon ng unexplained wealth laban sa kaniya sa impeachment trial ayon legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr.,
Sinabi ni Tolosa na ito ay batay sa mga naging resulta ng iba’t ibang public opinion surveys.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre, 78% ng mga adult Filipinos ang nagsabing mahalagang sumalang mismo sa witness stand ang Bise Presidente.
Bukod dito, lumabas din sa hiwalay na Pulse Asia survey na 51% ng mga Pilipino ang gustong makitang magsalita si VP Sara sa Senate Impeachment Court, samantalang 34% lamang ang tutol dito.
Ayon kay Tolosa, malinaw na mensahe ito na hiling ng publiko na sagutin at ipaliwanag ng Bise Presidente ang mga iprinisintang bank records, tax filings, at forensic accounting findings ng prosecution kaugnay ng kaniyang natitirang impeachment charge.