Magsisimula na ngayong Lunes, November 9 ang Philippine Startup Week 2026 na gaganapin sa Quezon City M.I.C.E. Center.
Pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang naturang aktibidad katuwang ang Department of Science and Technology o DOST, Department of Trade and Industry o DTI, at pamahalaang lungsod ng Quezon City sa pamamagitan ng programang StartupQC.
Layon ng Philippine Startup Week 2026 na tipunin ang iba’t-ibang stakeholder sa startup ecosystem, kabilang ang mga negosyante, innovator, investor, kinatawan ng pamahalaan, at mga industry partner.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mapalalakas ang lokal na startup industry, at mabibigyang-suporta ang paglago ng mga negosyong nakabatay sa makabagong teknolohiya.