Magdaraos ang Manila Public Employment Service Office ng Local and Overseas Mega Job Fair sa Huwebes, November 12, sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Gaganapin ito mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa ikalimang palapag ng Isetann Cinerama Complex sa C.M. Recto Avenue, Quiapo, Maynila.
Katuwang sa job fair ang Department of Labor and Employment Manila Field Office at ang Department of Migrant Workers.
Pinapayuhan ang mga aplikante na magparehistro bago pumunta gamit ang QR code o registration link sa anunsyo ng Manila PESO.
Magdala rin ng updated na résumé at ballpen para sa panayam sa mismong venue.
