Patuloy ang panawagan ng Department of Energy (DOE) hinggil sa pagkonserba at pagtitipid sa kuryente habang pinaghahandaan ang mas matindi pang epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon kay DOE Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino umiiral pa rin ang Oras Natin sa Efficiency initiative, kung saan hinihikayat ang bawat establisyimento at kabahayan na maglaan ng isang oras mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi para i-switch off ang kanilang mga kuryente, appliances, at devices upang makapagtipid ng kuryente.
Ani Aquino, malaking tulong ito hindi lang para mapababa ang kabuuang konsumo ng bansa pagdating sa kuryente kung hindi bilang paghahanda na rin sa El Niño.
Sa ngayon, nasa kabuuang 136,298 megawatts per hour ang natipid sa ilalim ng ONE initiative na katumbas ng konsumo ng nasa higit 680,000 na kabahayan.
Panawagan pa ni Aquino na sana’y mas dumami pa ang makilahok sa Oras Natin Efficiency Initiative ng pamahalaan.