All-hands on deck na ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa pamumuno ng ASEAN National Organizing Council (NOC) upang matiyak ang kordon ng seguridad para sa nalalapit na ASEAN Summit, sa susunod na linggo.
Sa panayam ng PTV kay ASEAN NOC Deputy Director General for Operations retired Major General Potenciano Camba doble kayod na ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan gayundin ang mga lokal na pamahalaan partikular na ang mga lungsod ng Pasay, Taguig, Makati, Manila at Parañaque kung saan gaganapin ang karamihan ng mga aktibidad para sa 49th ASEAN Summit.
Pagtitiyak ng ASEAN NOC, na hindi lang ang mga ASEAN leader, delegado, at dignitaries ang sakop ng kanilang seguridad kundi kasama na rin dito ang pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko.
Nagbigay abiso na rin ang ASEAN NOC sa incoveniences na maidudulot ng pagdating ng mga delegado at ASEAN leaders sa bansa para sa ASEAN Summit.
Epektibo na rin ang rerouting plans na inilabas na ng MMDA at maging ng mga lokal na pamahalaan upang maiwasan ang aberya sa kalsada gayundin ay idineklara na rin namang walang pasok ang mismong mga araw ng ASEAN Summit sa buong NCR upang makaiwasa sa malaking abala sa publiko.
Pinaghahandaan na rin ng ASEAN NOC ang mga magsasagawa ng mga kilos-protesta na tututukan naman ng Philippine National Police.