Mayroong tatlong options ang mga pasaherong maaapektuhan ng flight adjustments mula November 13 hanggang November 18 dahil sa 2026 ASEAN Summit.
Batay sa anunsiyo ng Department of Transportation (DOTr), maaari silang mag-rebook nang libre at walang penalty, kumuha ng full refund, o gawing travel fund ang kanilang ibinayad.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa DOTr at sa mga airline na tiyaking convenient at hassle-free ang options ng mga pasahero ng mga apektadong flight.
Kabilang sa mga airline na may apektadong flight ang Philippine Airlines, Cebu Pacific, at AirAsia.
Pinapayuhan ng ahensya ang mga pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kanilang airline para malaman ang updated na schedule ng kanilang biyahe.
Para makita ang listahan ng mga apektadong flights, maaaring bisitahin ang Facebook page ng DOTr.