Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Walang-patid ang arangkada ngayon ng paglalagay ng mga water filtration system ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa kasabay ng mga paghahanda para sa matinding El Niño.
Sa panayam ng programang Boses kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao umiikot na ang DSWD sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas na nakararamdam na ng epekto ng tag-tuyot upang ilagay ang water filtration system sa mga community water depot o kahit pa sa mga drums.
Isa nga sa mga matagumpay na nalagyan ng water filtration system ay ang Alabat, Quezon na agad nang nagamit ito upang makagawa ng maiinom na tubig.
Maaaring gamitin ang nasa filtration system sa makokolektang tubig ulan na ligtas na maiinom oras na makumpleto ang filtration process.
Makatitiyak na ligtas ang lalabas na tubig sa filtration system dahil aprubado mismo ng Department of Health ang nasabing fitration mechanism.