Ipinaliwanag ng mga lider ng Kamara na kabilang sa mga pinagkunan ng pondo para sa mga pagbabago sa panukalang 2027 national budget ang mga programang mabagal ang implementasyon.
Ayon kay House Appropriations Senior Vice Chair Albert Garcia, inilipat ang bahagi ng pondo sa mga programang mas handa at mabilis na maipatutupad upang maiwasang maipit ang karagdagang alokasyon sa mga proyektong hindi pa nagagamit ang dating budget.
Nilinaw naman ni Surigao del Sur Representative Romeo Momo na hindi lahat ng pondo ng mga naturang programa ay kinuha, dahil may bahagi pa ring iniwan para sa kanilang patuloy na implementasyon.
Bilang halimbawa, binanggit ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Poe ang ₱15.33 bilyong hindi pa nagagamit sa Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program para sa mga lokal na pamahalaan.
Ang halaga at inilipat aniya ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSC) sa Quick Response Fund ng DSWD.
Sinabi rin ni Camarines Sur Representative Arnie Fuentebella na kabilang sa mga dinagdagan ng pondo ang School Safety and Security Program ng Department of Education (DepEd) na nakatanggap ng karagdagang ₱500 milyong.