Pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ng ₱90,000 si dating Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Noong Oktubre 16, 2026, naghain ng tatlong counts ng graft ang Office of the Ombudsman at naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa akusado.
Matapos magpiyansa, pinayagan siyang pansamantalang makalaya at binawi ang warrant of arrest.
Gayunman, nanatiling inosente ang akusado hanggat hindi napapatunayang nagkasala ng korte.
Ang pag-apruba sa piyansa ay hindi nangangahulugang napawalang-sala ito, kundi pinapayagan lamang ang pansamantalang paglaya habang nagpapatuloy ang proseso ng kaso.