Puspusan na ang paghahanda ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ika-49 na ASEAN Summit and Related Summits na gaganapin sa Metro Manila mula November 16 hanggang 18.
Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano, halos linggo-linggo ang kanilang coordinating meetings para sa summit.
Utos din aniya ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na paigtingin pa ang kanilang mga hakbang.
Pinag-uusapan na rin ang pagdadagdag ng puwersa mula sa ibang rehiyon para matiyak ang kaligtasan ng mga heads of state. Handa rin aniya ang pulisya sakaling magsagawa ng lightning rally ang ilang grupo malapit sa mga venue.
Bukod dito, paiigtingin din ang police visibility at monitoring sa mga pangunahing ruta, gayundin ang contingency plans sa mga summit venue, hotel, paliparan, at transport hub na tutuluyan o daraanan ng mga delegado.
Bahagi rin ng paghahanda ang 26,000 pulis na ipakakalat ng NCRPO, na sabay ring magbabantay para sa Undas.