Tuloy lang ang arangkada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paglilinis nito sa kanilang hanay partikular ang mga kawani nila na sangkot sa mga maanomalyang flood control project.
Kinumpirma mismo ni DPWH Secretary Vince Dizon na inalis na sa puwesto ang tatlong opisyal ng DPWH dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa maanomalyang flood control projects sa Davao.
Samantala, isa pang construction chief sa Cebu na umano’y nangongotong sa mga kontratista ang tinanggal din sa puwesto.
Babala ni Dizon sa mga kawani at opisyal ng DPWH na hindi siya mangingiming tanggalin sa puwesto oras na mapatunayang dawit sila sa anumang akto ng kurapsiyon at anomalya.
Mahigpit umano ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat masawata na ang kurapsiyon sa pamahalaan kasama na rito ang DPWH.