Binigyang-diin ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala silang nakikitang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin bago ang pagdating ng Undas.
Iginiit ni Trade Secretary Cristina Roque na stable ang presyo ng maraming produkto, kabilang ang kandila, bottled water, at iba pang bilihin.
Tuloy-tuloy din ang kanilang monitoring sa mga pangunahing supermarket sa bansa.
Wala ring hiling ang mga manufacturer sa DTI na itaas ang presyo ng kanilang mga produkto.
Babala naman ng DTI sa mga supermarket at iba pang negosyo na karampatang parusa at multa ang naghihintay sa mga magpapataw ng sobrang presyo na hindi na pasok sa suggested retail price (SRP).