Nagsagwa ng pinagsanib na pagsasanay militar ang Philippine Army at Philippine Air Force sa bayan ng Bugasong, Antique upang subukan ang kanilang kahandaan at kakayahang magsagawa ng organisadong operasyon sa lupa at himpapawid.
Sinimulan ang Field Training Exercises (FTX) ng Philippine Army-Philippine Air Force Interoperability Exercise (PAF-PA IOX) 05-2026 na isinasagawa sa Barangay Ilaures at Barangay Camangahan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ninaMajor General Joey A. Escanillas, Commander ng Joint Task Force SPEAR at 3rd Infantry Division at Brigadier General Sheillah Grace E. Vicente, Commander ng Tactical Operations Wing Central.
Kabilang sa mga senaryong isinagawa sa unang araw ang air support, artillery operations, ground maneuver, casualty evacuation, airborne insertion at search-and-rescue operations.
Tampok din sa pagsasanay ang simulated counter-amphibious landing operation kung saan tumugon naman ang pinagsanib na puwersa ng Army at Air Force sa pamamagitan ng organisadong operasyon.
Layunin ng pagsasanay na higit pang mapahusay ang koordinasyon, pagpapalitan ng impormasyon, pamamahala sa operasyon at pagprotekta sa mga puwersa sa gitna ng magkakaugnay na operasyong militar.
📷 3rd ID