CHED, isinusulong ang pagpapalakas sa mga lokal na kolehiyo
Tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) na palalakasin ang mga lokal na kolehiyo upang maiangkop ang mga kurso sa pangangailangan ng komunidad at industriya.
Mahigit 170 opisyal ng mga lokal na kolehiyo mula Visayas at Mindanao ang dumalo sa summit sa University of the Philippines Cebu.
Ayon kay CHED Chairperson Shirley Agrupis, layunin nitong mapabuti ang edukasyon at ihanda ang mga estudyante sa trabaho.
Bahagi ito ng LCLEAD initiative na naglalayong palakasin ang mga lokal na kolehiyo at ilapit ang de-kalidad na edukasyon sa mga komunidad.