Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology sa mga stakeholder na magkaisa laban sa mga cyber threat.
Ito ang panawagan ni DICT Secretary Robert Joseph de Claro sa pagbubukas ng Philippine Cybersecurity Conference 2026.
Dumalo rito ang mga opisyal ng pamahalaan at international partners.
Ayon kay de Claro, mahalaga ang pagtutulungan upang maprotektahan ang personal na datos at mahahalagang digital services.
Gaganapin ang tatlong araw na kumperensya hanggang October 22 upang palakasin ang cybersecurity at pagtugon sa mga cyberattack.
May temang “Cyber Balangayan,” layunin ng kumperensya na makabuo ng mas ligtas at matatag na digital na Pilipinas.