Photo courtesy of Department of Labor and Employment (DOLE)
Lumagda sa kasunduan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Judicial Academy (PHILJA) para palakasin ang pagsasanay ng mga humahawak sa mga alitan sa paggawa.
Pinirmahan nina DOLE Secretary Francis N. Tolentino at PHILJA Chancellor Justice Edgardo L. Delos Santos ang kasunduan ngayong Oktubre 21 bilang suporta sa National Academy of Labor Justice o NALJ.
Tutulong ang PHILJA sa pagbuo ng kurikulum, mga programa sa pagsasanay, at mga materyales sa pag-aaral ng NALJ.
Saklaw din ng pagtutulungan ang pananaliksik at paghahasa ng mga tagapagsanay.
Kabilang sa mga sasanayin ang labor arbiters, hearing officers, mga tagapamagitan, legal officers, at labor inspectors upang maging patas at mabilis ang pagresolba sa mga alitan at maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa.
Pangungunahan ng DOLE ang pamamahala at operasyon ng akademya at tatagal nang limang taon ang kasunduan.