Nilinaw ng korte suprema na hindi kasama ang pananagutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa niresolba ng Korte Suprema kaugnay sa 2024-2026 General Appropriations Act.
Ayon kay Supreme Court spokesperson Atty Camille Ting, ang tanging tinukoy lang ng Supreme Court ay kung labag ba ito sa batas.
Una nang Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang 449.5-bilyong pisong dagdag sa unprogrammed appropriations sa 2024 national budget, gayundin ang 17.99-bilyong pisong dagdag sa Special Road Fund ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa 2025 national budget.
Pinawalang-bisa rin ng Korte ang dalawang probisyon tungkol sa unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act. Binigyan naman ng 15 araw ang OSG para maghain ng motion for reconsideration kaugnay sa naging desisyon ng Supreme Court.