Welcome para kina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang desisyon ng Korte Suprema na nagtakda ng mga limitasyon sa paggamit ng unprogrammed appropriations o UA sa national budget.
Ayon kay De Lima, hakbang ito tungo sa mas mahigpit na transparency at accountability sa paggastos ng pera ng bayan.
Gayonman aminado ang mambabatas na umaasa siyang tuluyan nang ipawalang-bisa ang UA.
Hindi rin aniya dapat maging panangga sa pananagutan ang doctrine of operative fact para sa mga kumilos nang may masamang hangarin.
“We thank the SC for setting clear constitutional limits on UA – a big step toward promoting fiscal discipline and pursuing a coherent fiscal program. UA was meant to be a standby, not a slush fund. The Court has put it back in its proper place…Ang pasyang ito ng Korte Suprema ay babala sa mga nagsasabwatan at nagbabalak pang abusuhin ang UA para sa pansarili at pampulitikang interes.” ani De Lima
Samantala, iginiit ni Diokno na pinagtitibay ng desisyon ng SC ang kanilang punto na dapat ay malinaw na tukuyin at pondohan ang mga prayoridad na proyekto sa halip na ilagay sa UA, kung saan mas bulnerable umano ang pondo sa pang-aabuso at korapsyon.
Nanawagan din siya sa Kamara at Senadi na tiyaking susunod sa pasya ng Korte Suprema ang 2027 national budget. “Now that the Supreme Court has spoken, it is the duty of the Senate and the House of Representatives to ensure that the 2027 national budget is transparent and compliant with the Court’s ruling, from the remaining deliberations through the bicameral conference committee.” diin ni Diokno