Napapanahon para kay Senador Ping Lacson ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional sa ilang probisyon ng 2024 at 2025 General Appropriations Act (GAA) o national budget.
Ayon kay Lacson, sakto ito ngayong sinusuri ng senado ang bersyon ng Kamara ng panukalang 2027 national budget.
Binigyang diin aniya ng desisyon ng SC ang mga limitasyong itinatakda ng konstitusyon sa kapangyarihan ng kongreso na baguhin ang National Expenditure Program (NEP).
Nilinaw ng senador na hindi siya miyembro ng senado nang ipasa ng kongreso ang 2024 at 2025 GAA.
Sinabi ni Lacson na dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema, maitatala sa kasaysayan ang 2024 at 2025 national budgets bilang pinakamasahol na naisapa ng kongreso, kasunod ng pagdedeklara ng SC noon na labag sa konstitusyon ang Disbursement Acceleration Program (DAP) sa ilalim ng 2013 GAA.
Kasunod ng bagong SC ruling, kabilang aniya sa posibleng consequence o kahihinatnan nito ay hindi na pwedeng mailabas o magamit ang mga pondong hindi pa nagagastos, habang ang mga nagastos na ay hindi na maaaring mapawalang-bisa.