Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapalakas ng produksyon ng relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang paghahanda paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Rosal.
Ayon sa DSWD, nitong Miyerkules, October 1 ay walang patid ang repacking ng mga Family Food Packs (FFPs) ang mga kawani ng DSWD at mga volunteer sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City.
Ito ay para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at agarang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang posibleng maapektuhan ng kalamidad.
Una nang iniulat ng DSWD na may hawak na itong higit 4.57 milyong family food packs, 345,426 na non-food items, at 204,695 na kahon ng ready-to-eat food na nakahanda para sa agarang pamamahagi.
Maging ang mga isolated areas at inaasahang tatamaan ng bagyo sa Northern Luzon ay may nakaposisyon na ring family food packs.
📸 DSWD

