Pinabulaanan ni House impeachment trial adviser Ace Barbers ang alegasyong minamadali ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas sa Nobyembre.
Ayon kay Barbers, nakabatay sa inaprubahang trial order ng Senate Impeachment Court ang iskedyul ng paglilitis at hindi ito minamadali para sa anumang dahilan.
Paliwanag niya, bago nagsimula ang paglilitis ay nagsagawa muna ng pre-trial conference ang prosecution at defense panel upang tukuyin ang mga isyung tatalakayin, mga testigo, at dokumentong ihaharap.
Nauna nang inanunsiyo ng Senado na magpapatuloy ang impeachment trial sa Nobyembre 9, matapos baguhin ang iskedyul upang bigyang-daan ang legislative work at deliberasyon sa 2027 National Budget.
Noong Oktubre 13, tinanggap ng impeachment court ang pag-urong ng prosecution sa tatlong artikulo ng impeachment complaint, kaya Article II na lamang ang nananatili.
Itinanggi rin ni Barbers na ginagamit ang paglilitis upang impluwensiyahan ang 2028 presidential elections.
Gayunman alam niyang hindi tatanggapin ng mga tutol dito ang anumang paliwanag dahil mayroon na silang sariling naratibong nais ipalaganap.