Palalakasin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Social Security System (SSS) ang kanilang ugnayan para palawakin ang oportunidad sa trabaho at social protection para sa mga Pilipinong freelancer at online professional.
Ito’y kasunod ng paglagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) at Data Sharing Agreement (DSA) nina DICT Secretary Robert Joseph De Claro at SSS President at Chief Executive Officer Victor Alfonso Limlingan Jr.
Layunin ng kasunduan na suportahan ang skills development ng mga digital worker, palawakin ang kanilang kaalaman sa mga programa ng SSS, at hikayatin ang kanilang pagpaparehistro para makinabang sa mga social security benefits.
Lumagda rin ang dalawang ahensya sa Data Sharing Agreement para maisama ang MySSS Card at piling serbisyo ng SSS sa eGovPH Super App, para mas madaling ma-access ng publiko ang mga serbisyong ito sa pamamagitan ng iisang digital platform ng pamahalaan.

