Itinuturing na “Act of War” ng Department of National Defense (DND) ang banta ng China na gagamitan ng puwersa ang BRP Sierra Madre para alisin sa Ayungin Shoal.
Sa virtual press conference ng Defense Press Corp, sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro na sineseryoso ng pamahalaan ang lahat ng banta sa BRP Sierra Madre partikular na ang posibleng pag-tow o paghatak dito ng China.
Gayunman, nilinaw ni Teodoro na magkaiba ang “act of war” na may paggamit ng puwersa sa “state of war” na mangyayari lamang sakaling ideklara ito ng Pangulo at ng Kongreso.
Pagdating naman sa Rotation and Re-supply (RoRe) mission sa BRP Sierra Madre, iginiit ni Teodoro na hindi kailangang magpaalam ng Pilipinas sa alinmang bansa.
Habang pagdating naman sa banta na pag-disclose ng mga pulitiko na nakikipagkasundo sa China, tinawag itong kalokohan ni Teodoro at sa halip, hinamon niya na ilabas ito.