Inihain ni Nueva Vizcaya Lone District Representative Tim Cayton ang House Bill 11480 o ang “Magna Carta of Tricycle Drivers and Operators.”
Layon nito na maglatag ng makatarungang singil ng pamasahe at patas na kondisyon sa pamamasada para sa lahat ng tricycle drivers at operatos sa bansa.
Punto niya, ang mga tricycle ang laging katuwang ng mga oridnaryong Pilipino araw-araw.
Pero ang mga driver at operator nito ang madalas na biktima ng pabago-bagong bayarin kada munisipyo, usad-pagong na permit, at marahas na pang-iimpound sa simpleng paglabag.
Sa ilalim ng panukala, hindi lalampas sa P1,000 ang kabuuang bayad para sa Motorized Tricycle Operator’s Permit (MTOP) na may bisang limang taon.
Magtatayo rin ng 𝗧𝗿𝗶𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗢𝗻𝗲-𝗦𝘁𝗼𝗽 𝗦𝗵𝗼𝗽 sa bawat lokal na pamahalaan, at ilalabas ang permit sa loob ng dalawang araw mula sa pag-submit ng kumpletong requirements.
Para naman sa mga traffic violation at kakulangan sa dokumento, tiket na lamang ang ibibigay sa halip na impound maliban na lang sa mabibigat na dahilan.
Magkakaroon din ng 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, kung saan sasagutin ng pamahalaan ang kalahati ng minimum na kontribusyon sa SSS at PhilHealth ng mga tricycle drivers.