Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Lino Cayetano na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bawat ahensiya ng gobyerno partikular na sa kung paano ginagawa ng mga ito ang pagsisilbi sa mamamayan.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kasunod ng pagpapalitan nina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Cayetano, patuloy na naghahanap ng solusyon ang Punong Ehekutibo sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng mamamayan habang tinitingnan ang bawat Kagawaran sa kung paano nito napaglilingkuran ang taumbayan.
Kung pag-uusapan naman ay posibleng pagbabago pa sa line up ng mga miyembro ng gabinete, sinabi ni Cayetano na wala pa siyang nababatid na impormasyon ukol dito.
Ito ay matapos na muling italaga si Secretary Dizon sa DOTr at ilagay namang Kalihim si Lopez sa DPWH.