Patuloy ang pagbabantay ng mga personnel ng Land Transportation Office VI sa mga pangunahing transport terminal sa Iloilo City bilang bahagi ng Oplan Byaheng Ayos 2026.
Sa Ceres Terminal, Buhang, Jaro nagsagawa ng inspeksyon ang team sa road worthiness at mga dokumento ng mga pampublikong sasakyan tulad ng taxi, bus at jeep.
Sa datos ng LTO VI mahigit 700 daang mga sasakyan na ang kanilang nainspeksyon sa buong rehiyon habang dalawang kolorum van naman ang nahuli sa roadside inspection.
Mananatili hanggang November 4 ang deployment ng mga assistance desk sa mga transport hub sa lungsod upang masiguro ang maayos na byahe ng mga magbabakasyon ngayong Undas.

