Nilagdaan ngayong Martes, October 27, ang isang Letter of Intent for Academic Cooperation sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at Education Malaysia Global Services (EMGS).
Pinangunahan ang signing ceremony nina CHED Chairperson Dr. Shirley Agrupis at EMGS Chair Datuk Ahmad Shalimin Ahmad Shaffie.
Layunin ng kasunduan na palakasin ang kooperasyon ng dalawang institusyon sa pagbibigay ng mga oportunidad para sa scholarships, research collaboration, at student exchange programs. Bahagi rin ito ng pagsusulong ng mga inisyatiba tulad ng ASEAN Gems program na naglalayong suportahan ang pagpapalitan ng kaalaman at pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa rehiyon.
Samantala, pinasalamatan din ni Agrupis si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa walang humpay na pagsusulong sa kapakanan ng mga estudyante tungo sa mas maunlad na kinabukasan ng Pilipinas.
