Screenshot
Isinulong ng Pilipinas ang regional cooperation para sa matatag at inklusibong pag-unlad ng ekonomiya sa Asia Pacific.
Kamakailan nakiisa ang Pilipinas sa representasyon ni Department of Finance (DOF) International Finance Group (IFG) Undersecretary Joven Balbosa kasama ang mga global finance leaders sa ginanap na 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Finance Ministers’ Meeting (FMM).
Alinsunod sa adbokasiya ng Administrasyong Marcos Jr., isinulong ng bansa ang pag-akit sa mas maraming pribadong mamumuhunan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng project bankability at paggamit ng digital transformation.
Ayon kay Usec. Balbosa, ang tunay na sukat ng tagumpay sa pananalapi ay hindi lamang sa halaga ng pondo, kundi sa mga proyektong aktwal na naipatutupad na nagbibigay ng maayos at inklusibong connectivity sa mamamayan.
Bukod dito, ibinida rin ng bansa ang mga reporma sa SSS pension program, ang pagpapababa ng singil sa mga digital transaction, at ang pagbibigay ng mas madaling credit access sa mga pamilyang low-income.
Ang mga naging kasunduan sa nasabing pagtitipon ay magsisilbing gabay sa darating na APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China ngayong Nobyembre.