Pangungunahan ng Pilipinas ang isang Regional Conference na layong pabilisin ang modernisasyon ng agrikultura sa Asia-Pacific Region.
Gaganapin simula ngayong araw, November 23 hanggang 26 sa Solaire Resort sa Parañaque City ang kumperensya sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) at Food and Agriculture Organization ng United Nations (FAO).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., dadaluhan ito ng daan-daang opisyal, eksperto, at kinatawan ng industriya mula sa iba’t ibang bansa.
Tatalakayin sa pulong ang paggamit ng makabagong makinarya at teknolohiya upang mapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka.
Layunin din nitong palakasin ang seguridad sa pagkain at katatagan ng agrikultura laban sa epekto ng climate change.
