Photo courtesy of Maynilad
Naglaan ng halos ₱10 bilyon ang Maynilad sa pagpapahusay ng mga pasilidad nito sa La Mesa para mapatatag ang suplay ng tubig.
Kabilang dito ang pagpapahusay ng water treatment facilities, pagdaragdag ng imbakan ng tubig, at pagpapalakas ng mga recovery system.
Ayon kay Engineer Ronald Padua, Vice President and Head Water Supply Operations, pinalawak ang kapasidad ng La Mesa Treatment Plant 1 na magproseso ng malabong tubig, mula 300 hanggang 2,000 nephelometric turbidity units (NTU). Isinasagawa rin ito sa Treatment Plant 2.
Sinabi pa ni Padua, kapag kumpleto na ang tatlong sistema kaya nitong magbigay ng karagdagang 125 hanggang 170 milyong litro ng tubig kada araw.
Gumagana na ang Recovery Systems 1 at 3, habang target matapos sa Disyembre 2026 ang System 2. Mayroon ding imbakan na 133 milyong litro ng tubig.
Ang proyekto ay bahagi ng paghahanda sa posibleng tagtuyot dulot ng El Niño at sa pagpapanatili ng maaasahang suplay ng tubig.