Sinisiguro ng National Food Authority (NFA) sa Western Visayas ang reserba ng bigas bilang paghahanda sa posibleng very strong El Niño.
Pinatitindi ng ahensya ang pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Nakapuwesto ang mga reserba sa 20 bodega upang mapabilis ang pamamahagi sa panahon ng kalamidad. Kumukuha rin ang NFA ng tulong sa mga pribadong miller upang mapabilis ang paggiling ng palay.
Ayon sa NFA, susuplayan din ng Western Visayas ang pangangailangan sa bigas ng Central at Eastern Visayas.
Layunin ng mga hakbang na ito na matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa panahon ng emergency.