Lumagda ng kasunduan sina Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, mga kinatawan ng Department of Justice, Department of Interior and Local Government at Justice Sector Coordinating Council ngayong Lunes, October 26, 2026.
Layon nito na mapalakas ang justice system sa bansa, pagsusulong ng hustiya at labanan ang korapsyon.
Para kay Ombudsman Remulla, dahil sa kasunduan ay sa tuluyang mapapalakas ang koordinasyon ng ‘justice system’ sa bansa.
Naniniwala si Ombudsman Remulla na ang paglaban sa korapsyon ay hindi lamang sa iisang institusyon.
Ganito rin ang pananaw ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa kanyang naging mensahe.
Kabilang sa plano ang pagbuo ng mekanismo para sa konsultasyon at koordinasyon ng sektor.
Makapagtaguyod ng mga protocols upang masiguro na naaayon sa batas ang pagbabahagi ng mga impormasyon at datos.
Samantala, sinabi ni Ombudsman Remulla na hindi lamang dapat natatapos sa kasunduan ang pagpupulong pagdating sa paglaban kontra korapsyon kundi dapat makita rin ng publiko ang tunay na aksyon.