Personal na ininspeksyon ni Caloocan City Mayor Along Malapitan ang Tala at Bagbaguin Cemetery bilang paghahanda sa Undas 2026.
Kabilang sa sinuri ang pag-aaspalto ng mga daanan, paglilinis, at pagtatanggal ng mga sanga at damong maaaring makasagabal sa mga dadalaw.
Sa Tala Cemetery, gagamiting pasukan at labasan ang Gates 1, 2, at 3, kasabay ng inspeksyon sa mga dalang gamit.
Hanggang October 28 ang huling araw ng pagpapalibing, habang hanggang October 29 naman ang paglilinis ng mga puntod.
Tinatayang nasa 150,000 hanggang 200,000 bisita ang darating sa Tala Cemetery, habang 50,000 hanggang 60,000 naman sa Bagbaguin Cemetery.
Hinikayat ng alkalde ang publiko na panatilihin ang kalinisan at kaayusan, at sumunod sa mga gabay ng lokal na pamahalaan para sa ligtas at maayos na paggunita ng Undas.