Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of National Defense (DND) sa mga pamilya, mahal sa buhay, at kasamahan ng apat na piloto ng Philippine Air Force (PAF) na nasawi sa mid-air collision ng dalawang SF-260 trainer aircraft sa Batangas.
Ayon sa DND, masusing iimbestigahan ang insidente upang matukoy ang mga pangyayari at sanhi ng aksidente, gayundin ang mga kakulangang kailangang tugunan upang maiwasan ang kaparehong trahedya.
Tiniyak din ng kagawaran ang paninindigan nito sa transparency at pananagutan, kasabay ng pagtitiyak sa kaligtasan ng mga tauhan ng PAF.
Binigyang-diin ng DND na hindi malilimutan ang serbisyo at sakripisyo ng mga nasawing piloto para sa bansa.